Mumo mula sa Hapag

by Sr. Joy De Vera

Mumong nalalaglag mula sa hapag,
Madalas ‘di pinapansin ‘pag ito’y lumapag,
Tila kalat na hahayaan na lamang linisin,
Madalas ang tingin, ito’y ‘di na dapat kainin.

Sino ang makikinabang?
‘Di ko akalain meron palang nag-aabang…
Ang mumunting piraso ng mumo,
Ay makakabusog pala sa puso…

Oo, ito’y akin napagtanto,
Ngayon ang lahat ay gutom sa bawat piraso,
Kitang-kita ng mga mata ko,
Kung paano i-break ang broken na piraso,
Ito ang consecrated na katawan ni Kristo.

Ito ang araw-araw na scenario,
Sa loob ng kumbento,
Upang maging sapat ang natitirang munting piraso,
Pilit pinagkakasya ang ilang natitira dito.

Kahit mahirap ang sitwasyon,
At tila mumo lang ang natanggap ko,
Ako’y buong pusong nananalig,
Na si Hesus na buong-buo pa rin ang na-rereceive ko.

Wala akong karapatang magreklamo,
Sa piraso na yun ang puso at kaluluwa ko’y napupuno,
At least ako natanggap ko Si Hesus mula sa piraso,
E paano ang iba na kahit mumo man lang ay walang maisubo?
Sila’y nasa isip at panalangin ko,
Habang nilalasan ang piraso ng Eukaristiyang si Hesu-Kristo.

Alam ko darating din ang araw,,
Na ang lahat ay magiging sapat,
Na hindi lang mumo ang ating matatanggap!
Ngunit ang aral na ‘di ko malilimot,
Na kahit gaano kalaki o kaliit ang natatanggap ko,
Mas napalapit ako sa Eukaristiyang nagpapawi sa gutom ko.

Basta merong mumo ng piraso na matitira sa aming Tabernakulo,
Ako’y patuloy na magagalak, magpapasalamat at tunay na mapapayapa,
Upang purihin Si Hesus sa pagkakataong pinili nya akong matanggap Sya…
Kasi kahit mumo man lang ang iba ay wala!

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: