by Kenan Clark. B. Gawaran
“๐๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฎ๐ข๐ฃ๐ถ๐ต๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ…”
“๐๐ฆ๐ต๐ฐ, ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฑ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ…”
“๐๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฆ๐ฉ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ณ๐ข๐ฐ๐ด ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ…”
Parati akong hinahatid sa napakalalim na pagninilay ng mga katagang ito na nakaugalian nang isagot ng mga Filipino sa tuwing sila’y kinukumusta. Nakalulungkot lang na hindi ko na gaano naririnig ito sa mga kasing edaran ko o maging sa mga mas matanda ng kaunti, pero walang dudang sa mga matatanda, sa ating mga lolo’t lola, ano man ang kalagayan sa buhay, mayaman man o salat, may iniinda mang sakit o wala, gutom man o busog, pare-pareho ang pambungad na sagot sa tuwing kinukumusta: “๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด.”
Makasalubong mo lang sa palengke โ “awa ng Diyos, nakakapamalengke pa naman…”
Bisitahin mo sa ospital kahit nakabulid sa karamdaman โ “awa ng Diyos, bumubuti naman…”
Kung walang hanapbuhay sa kasalukuyan โ “awa ng Diyos, nakararaos naman…”
At kahit walang ekstraordinaryong nangyayari sa buhay! ‘yung simpleng โ “heto, awa ng Diyos, buhay pa naman…”
Anong klaseng pananampalataya! At dahil ipinagdiwang nitong Linggo ang dakilang kapistahan ng Mabathalang Awa, talagang tumimo sa akin ang ilan sa mga napakayayamang ideyang ipinahahayag kalakip ng ekspresyong ito nating mga Filipino:
Una, may umiiral na Diyos! Ang gayong pahayag, bagama’t mistulang simple at ordinaryo, ay isang dakilang pagpapahayag ng pananampalataya! An extraordinary proclamation of faith sa pang-araw-araw nating buhay.
Pero hindi lang pag-amin ni simpleng pagkilala. Higit sa pag-amin na naniniwala ka sa Diyos, kapag sinasambit mo ito, ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ mong may Diyos. Merong Diyos. ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ! sabi nga sa pilosopiya ni Padre Roque Ferriols. Anong laking kaibahan kung alisin ang tatlong mga salitang ito sa tuwing tayo’y sasagot, “heto mabuti naman…”, “heto nakararaos naman…”, “heto kinakaya pa naman.” Tila ang lahat ay serye lamang ng mga pagtitiis at paghihirap; walang kahulugan, walang kabuluhan, walang malalim na patunguhan. Maitawid lang ang isang araw. Tama ngang tila gulong lang ang buhay sa ganitong pagkakataon. Pero sa tuwing nababanggit ang “awa ng Diyos,” parating may inihahatid na mas malawak, mas malalim, at mas makabuluhang pag-iral na humihigit at umiibayo sa praktikalidad at realidad ng sitwasyon ng buhay. Oo’t kinikilala pa rin natin ang mga paghihirap, hindi tayo umaalis sa realidad. Subalit tila napapawalang-bisa ang mga ito dahil merong Diyos! Ang pagme๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ na ito na araw-araw nating pinatototohanan ang siyang kumukubkob sa kahulugan kahit ng mga pinaka-ordinaryo nating gawain. Isang patotoo kung paano tayo tinatagpo ng Diyos at kung paano tayo nakikipagtagpo sa Diyos maging sa mga bagay na ordinaryo.
Gayundin dahil nga isa itong ๐ฑ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ sa mga taong ating nakakausap, may diyalogong nagaganap โ ๐ฅ๐ช๐ขฬ-๐ญ๐ฐฬ๐จ๐ฐ๐ด โ pag-uusap ng dalawang tao na nakaugat sa isang ๐ญ๐ฐฬ๐จ๐ฐ๐ด, sa isang Katotohanang umiiral na kinikilala ng parehong panig. Kung gayon, sa tuwing sinasagot natin ang mga pangungumusta sa atin ng may panimulang “awa ng Diyos…”, hindi lamang tayo simpleng nakikipag-usap, bagkus nagpapahayag, nagpapalaganap ng pananampalataya, ng Katotohanan, ng ๐ญ๐ฐฬ๐จ๐ฐ๐ด. At anong katapangang gawin ito sa panahon ngayon! kung kailan sa ilang mga pagkakataon ay tila napaka-sensitibong usapin na ng pagme๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ ng Diyos.
Subalit ikalawa, sa tuwing sinasambit natin ang “awa ng Diyos..”, higit sa pagpapahayag na ๐ฎ๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฏ Diyos, may isang napakahalagang kalikasan pa ang Diyos na ipinahahayag at ipinakikilala natin. Hindi lamang ito kung sinong diyos, bagkus binibigyang-ngalan natin Siya. Sa wika nga mismo ni Papa Francisco, ang diyos na ito ay isang diyos na may pangalan: awa! ๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐บ ๐ข๐ธ๐ข! Kilala natin ang ating Diyos sa Kanyang pangalan. Hindi Siya isang diyos na pabaya, o mapagparusa, o malupit. Bagkus, Siya ay Diyos ng ๐ข๐ธ๐ข!
At sa tuwing ipinahahayag natin ito, nabubuhay ang Diyos sa atin. Nakikita natin ang pagkilos ng Diyos ng awa sa ating buhay: sa tuwing tayo’y may sakit, sa tuwing tayo’y gipit, sa tuwing tayo’y nahihirapan sa ating mga responsibilidad. Wala sa labas ang Diyos na nanonood lang. Sa mga salita nga ng Santo Papa, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐ข๐ฏ ๐๐ช๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐ช. Sa tuwing ipinahahayag natin ang gayong mga salita, para na nating sinasabing “napakaraming nangyayari sa buhay ko, pero mabuti pa rin ang lahat dahil karamay ko ang Diyos ng awa!”
Anong klaseng pananalig, at anong klaseng Diyos, ‘di ba?
Maraming diyos na ipinakilala at ipinakikilala ang mundo sa tanang kasaysayan, subalit natatangi ang Diyos na muling nabuhay dahil sa Kanyang awa. Isa itong Diyos na parating nagliligtas, parating tumutugon, parating naghahanap na parang isang mabuting pastol. Isang Diyos na ang handog parati ay buhay! Hindi Siya malayo sa atin.
Katulad ng ipinahahayag sa Mabuting Balita, may ๐ฎ๐ถ๐ฌ๐ฉ๐ข ang Diyos ng awa: si Hesus! sabi nga ni Papa Francisco sa kanyang papal bull na Misericordiae Vultus noong 2015. Humaharap Siya sa atin tangan pa rin ang Kanyang mga sugat, ang butas sa Kanyang mga palad at paa at ang hiwa sa kanyang tagiliran. At katulad ni Tomas buong pananalig nating naibubulalas: “Panginoon ko at Diyos ko!” Awa ng Diyos, nagpakita Siya sa aking hindi karapat-dapat! Siya nga! Anong klaseng awa, na iniharap at ipinahipo Niya pa ang Kanyang mga sugat na para bang sinasabing “hindi ako likas na sugatan, pero pinili kong masugatan para makita mong karamay mo Ako!” Sa tuwing binabanggit natin ang awa ng Diyos, napagtatanto natin ang ating pagka-makasalanan kumpara sa Kanyang likas na kabutihan. Sa gayon, mas lumalakiโnamamagnifyโang Kanyang awa na lalong higit sa anumang ating kakayahan.
Kaya ang ganitong pagpapahayag ay maituturing na pagsasabuhay ng ๐ถ๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข ๐ญ๐ฐ๐ฐฬ๐ฃ na ayon sa sikolohiyang Filipino ay likas umano sa atin; hindi isang ordinaryong transaksyonal na “utang,” pero yaong umuugat sa ๐ญ๐ฐ๐ฐฬ๐ฃ. Na kung ako lang o tayo lang, wala na, suko na. Pero ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ at ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ต๐ข๐ฏ ng awa ng Diyos, magiging maayos ang lahat! Kahit mahirap tayo, kahit nasasaktan tayo, kahit napapagod tayo, ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด, mabuti pa rin ang lahat. Isa itong pananaw na mahihirapang intindihin ng sinumang nasa labas ng katutubong pananaw at kultura ng mga Filipino. Anong klaseng pagpapakababa sa harap ng Dakilang Awa! Anong klaseng pananalig ng isang bayan!
Sa simpleng panimulang sagot na “awa ng Diyos…”, binibigyan natin ng puwang ang Kanyang awa sa pamamagitan ng pagkilala sa ating mga kakulangan. Tutal, ang sabi ng Papa Francisco, puwang lang naman ang inaasahan sa atin ng Diyos. At mula sa maliit na puwang na ito โ ang ating mga kasalanan, pagkukulang, paghihirap, at pagtitiis โ ginagawa ito ng Diyos na ๐ต๐ข๐จ๐ฑ๐ถ๐ข๐ฏ natin at ng Kanyang awa; parang Kanyang tagiliran at mga palad na butas, hinahayaan Niya tayong parang si Tomas na ilusot ang ating mga daliri, nang sa gayon madama mismo natin ang Kanyang awa: isang awa na sugatan, subalit buhay at pang-magpakailanman.
Kaya sana, huwag nating hayaang mamatay ang kaugaliang ito. Dahil higit sa pagiging isang ordinaryong cultural expression, ito rin ay uri ng pananalangin! Kaya nga sa tuwing may mga lumalapit sa akin at humihingi ng payong ispirtuwal dahil sa “nahihirapan” raw silang manalangin, parati kong sinasabi itong isang napakahalagang ispirituwalidad ng mga Heswita: hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay. Sa lahat ng pangyayari sa ating buhay, ikintal parati natin sa ating mga sarili ang awa ng Diyos; tingnan ang mga bagay-bagay sa kung paano ito tinitingnan ng Diyos ng awa.
Sa tuwing binibigkas natin ang “awa ng Diyos,” o kahit man lamang sa tuwing bumubulong tayo o sumisigaw bunga ng mga frustration ng “Diyos ko!”, nakakapanalangin na tayo! Nalulugod ang Diyos ng awa dahil naririnig Niya mismo sa ating mga bibig ang gayong pananalig natin sa Kanya at sa Kanyang awa.
Gayundin naman, ihatid nawa natin si Hesus, ang mukha ng awa ng Ama, sa higit na nangangailangan nito. Dahil hindi kamukha ng “makamundong awa” na tumitigil na lamang sa pagkaawa, ang Mabathalang Awa ng Diyos ay isang awang kumikilos: dumaramay, lumilingap, nakikinig, nagpapagaling, nagpapakain, nagtatanggol, nakikipaglaban, nagpapagal, at nagliligtas. Ang mukha ng awa, si Hesus na muling nabuhay ay naririto pa rin ngayon, buhay na buhay, sa mga katulad ng mga frontliners na patuloy na nagbibigay pag-asa at kapayapaan sa ating lipunang sugatan.
๐๐ข๐บ ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด. Hindi lamang ito kasabihan.
Totoo โ ๐ฎ๐ข๐บ ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด.
Manalig ka.
Manalig tayo.
Buong pananalig natin itong ipahayag!
*This post is first published in the author’s facebook feed
Kenan Clark B. Gawaran is a member of Ateneo Student Catholic Action
Leave a Reply