by Francis Miguel Panday
Sa labing-apat na buwan
na hindi pagbuhos ng ulan,
unti-unting nagbubuwag-buwag
mga pira-piraso ng lupang naduwag.
Gabi noon, nang muling magparamdam;
nagbadyang muling makialam,
magdulot ng bagong pakiramdam
itong ulan na naglaho nang walang paalam.
Mga patak na noo’y pigil na pigil,
ngayo’y handang maningil.
Kahit anong iwas ang gawin
babagsak at babagksak pa rin
sa lupang hindi magtatagal ay
lilisanin pa rin.
Ganito na nga yata ang papel natin —
sa mga nakaw na lamang pagtatagpuin.
Pero, alam mo, hindi bale na.
Nang dahil sa mga panandaliang pagbisi-bisita,
at sa mga sandaling kayakap ka,
nabubuhay ang iba; sumisibol isa-isa.
2 March 2018
*photo by Joseph Vincent Borres
Francis is an incoming second year philosophy seminarian from the Diocese of Antipolo
Leave a Reply