by Ethiel C. Roxas
Maraming kwentong- buhay ang puno ng kahulugan,
Ngunit marami ding nabubuhay na parang lipas oras lang.
Sa bawat pagtatangka at pagtuklas ng kabuluhan,
May nagtatagumpay at mayroon ding tinalo ng dagok sa buhay.
Lahat naman ang gusto ay magandang buhay,
May sapat na pagkain, masayang pamilyang nananahan.
Ang kasiyahan ay iba- iba at minsa’y saglit lang,
Madalas ang pait at lungkot ng buhay ang nangingibabaw.
Tumigil ang mundo, ang lahat ay takot.
Sakit na COVID 19 sa atin ay sumusubok.
Tatag ng pananampalataya, kabutihan ng loob,
Ating pananggalang laban sa kawalang pag-asa at pag iimbot.
Katahimikan ay bumabalot, ating patuluyin at yakapin,
Minsan lamang ito dumarating upang turuan tayong manalangin.
Dito nananahan ang Diyos, ang kanyang tinig maririnig,
Upang sa lahat ng pagsubok, tayo ay mananaig.
*photo by Joseph Vincent Borres
Ethiel C. Roxas is a Religious brother of the Augustinians of the Assumption and currently studying Bachelor of Theology at Loyola School of Theology.
Leave a Reply