by Jenalyn Umpad
Kumusta ka?
Kapag tinatanong natin ito sa ating kausap, ang nasa isip natin sila, alam natin na sila ang sentro ng pag-uusap na ito, hayaan nating ikwento nila ang nasa puso nila, ang kwentuhang ito ay para sa kanya, hindi para sa iyo.
Pero minsan ang salitang ito ay tagong sigaw na “kumustahin-mo-naman-ako” galing sa taong nagtatanong na kumusta ka, malamang ang taong iyan ay gusto ding magbahagi ng kwento ngunit wala kasing nagtatanong sa kanya, kailangan niyang isipin muna ang iba bago ang sarili nya kaya siya nangungumusta kahit siya mismo ay nangangailangan din ng tengang makikinig.
Sabagay, kaya nga sa kwentuhan tatlong parte ng katawan ang kailangan, tenga, bibig at puso; makinig, magbahagi at magmalasakit.
Ganyan din sa pagdadasal, binabahagi natin sa Panginoon lahat kung kumusta tayo, iyak, takot, tuwa…pero huwag din nating kalimutan kumustahin ang Diyos, manahimik, pakinggan Siya, may sasabihin siyang importante sa iyo.
Tara, kape tayo!
#jenUjourney2020
#liveCatholic
Leave a Reply