KAPUSO, KAPAMILYA, KAAGAPAY

by Ethiel Roxas, AA

Parang telanobela ang buhay ngayon,
Magkahalong takot at lungkot, pangamba at poot.
Marami ang umaasang pinto ay agad na mabubuksan,
Upang bumalik sa dati ang buhay na nakagisnan.

Isyung panlipunan wala ng katapusan,
Kahirapan, sigalot at boses ng tao’y niyuyurakan.
Pati ang simbahang tanging pahingahan ng tanan,
Ngayon ay tinutuligsa, parang wala ng kabuluhan.

Kapuso ka ba o kaya kapamilya?
Saan ka papanig? Kanino ka maniniwala?
Nakakarindi na at madalas nakakabingi pa,
Walang katapusang problema ang inihahain sa mesa.

Payong kaibigan lang sa lahat ng mambabasa,
Huwag kalimutan ang Diyos, ating kaagapay sa twina.
Hindi bale kung kapuso o kapamilya ka,
Ang mas mahalaga ikaw ay nabubuhay para sa Kanya.

Mahirap man ngunit mas mainam gawin,
Ang magtanim ng pag- ibig, keysa ang galit ang pairalin.
Totoo nga ang buhay ay nobelang hindi pa natatapos,
Sa bawat yugto ng kwento mo, kaagapay mo ang Diyos.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: