Nanay

by Jen Umpad

Espesyal ang araw na ito. Sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay natin. Si Nanay, Mama, Inay, Mommy…ano pa man ang tawag mo sa kanya alam kong napapangiti ka kapag naisip mo siya.

Ang unang salitang binabanggit mo nuong sanggol ka pa, nung medyo lumaki na, kadalasang sigaw mo tuwing nadapa at nasaktan; ‘Mama!’ Sabay iyak. Si Nanay na karga ka sa sinapupunan niya ng siyam na buwan, si Nanay na uunahin ka bago siya, ibibigay sa iyo ang pinakamalaking parte ng ulam kahit bubog na lang maiwan sa kanya, si Nanay na maingay tuwing umaga para lang hindi ka ma-leyt sa skul. Si Nanay ay tao din, walang paaralan na nagturo sa kanya paano maging ina, kaya minsan nasasaktan ka nya, minsan napapabayaan ka nya, minsan may mga mali syang desisyon na hindi mo maintindihan. Kaibigan, ikaw man ay nagkakamali din, ikaw man ay nagalit din, pero wag mong kalimutan naging tao ka dahil kay Inay. Araw nya ngayon, ano ba naman ang kumustahin sya at ipadama na mahal mo sya…ikaw pa din ang ultimate love nya.

(P.s. binabati ko din ang aking Mama, ang mga naging nanay ko sa lakbay ng buhay at ang mga babaeng di man naging ina pero higit magmahal sa mga batang inaalagaan at inaaruga)

Jenalyn Umpad is a missionary for Singles for Christ, a Cebuana but currently residing in Cubao, Quezon City,

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: