Ethiel Canlas Roxas, aa
Bawat pagsikat ng araw sa kamalayan,
Ang hatid ay pag-asa na tunay na naglalaan.
Ginigising pusong nanlalamig na, sa katotohanang tunay.
Oras na para tayo ay bumangon mula sa mahabang dagok,
Ng mga pasakit at mga kasalanan, sa konsenya’y tumutuso.
Panaghoy ng mga gutom at sa karapatan ay walang pakialam,
Iniakala ba ng sa ati’y namumuno na tayo’y mangmang.
Lawak ng ating kamalayan ay niyuyurakan,
Iniilawan tayo ng Banal na Espiritu ng karungan,
Pinapalablab tayo sa kanyang kapangyarihan.
Ito na ang panahon upang labanan ang mali at mamuhay ng may karangalan.
Nanibago man ang lahat ngunit may nagmamahal na Diyos,
Oras na ng pagbabago at sabay- sabay na kikilos!
(Photo source: https://depositphotos.com/94981922/stock-photo-tall-man-sunset-above-island.html)
Leave a Reply