KAPUSO, KAPAMILYA, KAAGAPAY

by Ethiel Roxas, AA Parang telanobela ang buhay ngayon,Magkahalong takot at lungkot, pangamba at poot.Marami ang umaasang pinto ay agad na mabubuksan,Upang bumalik sa dati ang buhay na nakagisnan. Isyung panlipunan wala ng katapusan,Kahirapan, sigalot at boses ng tao’y niyuyurakan.Pati ang simbahang tanging pahingahan ng tanan,Ngayon ay tinutuligsa, parang wala ng kabuluhan. Kapuso ka ba... Continue Reading →

Kamusta Ka?

by Jenalyn Umpad Kumusta ka? Kapag tinatanong natin ito sa ating kausap, ang nasa isip natin sila, alam natin na sila ang sentro ng pag-uusap na ito, hayaan nating ikwento nila ang nasa puso nila, ang kwentuhang ito ay para sa kanya, hindi para sa iyo.Pero minsan ang salitang ito ay tagong sigaw na "kumustahin-mo-naman-ako"... Continue Reading →

Payapa?

by Francis Miguel Panday Magtataka ka,paligid ay tahimik,ba’t ‘di payapa? Francis is an incoming second year seminarian from the Diocese of Antipolo. *photo by Larry Monserate Piojo

Alaala

by Cielo Sarno Nabalot ng dilim, may sikat man ng araw.Maalab kong puso, nilamon ng ginaw.Bakal na kasuotan, sa takot ay nalusaw.Pangakong paghayo, ‘di maaninag, ‘di matanaw. Diwa ko’y nalunod sa hapdi ng Iyong paglisan.Nananaghoy ang pusong balot sa kalungkutan.Saysay ng aking Pagsunod naglaho ang kahulugan.Galak ng alala Mo’y tinangay ng kamatayan. Tumalikod sa Iyo,... Continue Reading →

May Awa Ang Diyos

by Kenan Clark. B. Gawaran "𝘈𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯..." "𝘏𝘦𝘵𝘰, 𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯..." "𝘈𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴, 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘦𝘩 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯..." Parati akong hinahatid sa napakalalim na pagninilay ng mga katagang ito na nakaugalian nang isagot ng mga Filipino sa tuwing sila'y kinukumusta. Nakalulungkot lang na hindi ko na gaano naririnig... Continue Reading →

Blog at WordPress.com.

Up ↑